Eroplano, nag-emergency landing sa Miami matapos masunog ang engine

Isang Atlas Air Boeing 747-8 cargo plane ang nag-emergency landing sa Miami matapos masunog ang makina.

Ayon sa imbestigasyon ng Federal Aviation Administration (FAA) at National Transportation Safety Board, ligtas na nakabalik ang eroplano na may limang tripulante at walang naiulat na pinsala.

Namataan naman ang isang butas sa itaas ng makina, na singlaki ng isang softball, na maaring naging sanhi ng nasabing insidente.

Saad ng Boeing na sinusuportahan nito ang Atlas at susuportahan rin ang pagsisiyasat ng NTSB.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *