Escobillo, bagong presidente ng mga punong barangay sa So.Cot

KORONADAL CITY – NAHALAL na bagong president ng Association of Barangay Captains o ABC sa lalawigan ng South Cotabato si Punong Barangay Neil Ryan Escobillo ng Barangay Pula Bato, Tampakan.

Ito ang uupo bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato. Samantala, Vice President naman si Punong Barangay Jessie Bontuyan ng Polomolok, Secretary si Punong Barangay Bernard Caat ng Lake Sebu, Treasurer si Jeffrey Agustin ng Tupi at Auditor si Punong Barangay Benjur Peñol ng Tantangan.

Board of Directors naman sina Punong Barangay Villasar Ladia ng Sto.Niño, Punong Barangay Marvin Ian Gumbao ng Koronadal, Punong Barangay Romeo Sugan ng TBoli, Punong Barangay Mario Fermato ng Norala at Punong Barangay Rizalito Ello ng Surallah.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *