ESMO Olongapo mahigpit nang ipatutupad ang No Segregation, No Collection Policy ng mga basura

Magsisimula na sa mahigpit na implementasyon ang Environmental Sanitationand Management Office o ESMO sa Olongapo ng No Segregation, No Collection Policy ng mga basura.

Ang Brgy. New Kalalake ang magiging pilot barangay ng ESMO at sa ika-8 ng Agosto ay magsisimula na pagpapatupad nito sa kanilang lugar.

Ayon kay ESMO Head Engr. Loreli Ricasa, hindi na hahakutin ng kanilang opisina ang mga basurang hindi naka-segregate ng tama.

Magkakaroon ng schedule sa paghahakot sa bawat uri ng basura, ang Biodegradable waste ay araw-araw na hahakutin samantalang ang Recyclable naman ay isang beses sa isang linggo habang ang Residual ay dalawang beses.

Magtatalaga umano ang Brgy. New Kalalake ng mga marshal na siyang titingin kung tama baa ng mga basurang inilabas sa itinakdang schedule.

Samantala, simula naman sa buwan ng Setyembre ay ipapatupad na ito sa buong lungsod ng Olongapo.

Paalala ng ESMO sa mamamayan na sundin ang batas dahil hindi na talaga hahakutin ng mga trucks kung hindi makasusunod sa proper waste segregation.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Information Center

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *