Estate tax amnesty extension kapwa “beneficial” sa gobyerno at heirs ng qualified estates

Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kapwa “beneficial” sa gobyerno at heirs o tagapagmana ng qualified estates ang pagpapalawig ng estate tax amnesty ng dalawa pang taon.

Hindi kasi maikakaila na kailangang- kailangan ngayon ng gobyerno ng revenue habang ang mga tagapagmana ay may pagkakataon nang ilipat ang titulo ng mga ari- arian ng namatay sa mga nabubuhay pa.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon na malaki ang kabawasan ng tax due dahil sa mawawalang compromise penalty, interest at surcharge.

“Malaki pong mababawas mo kung may taxable income ka estate tax due kasi under the normal computation, may ipapasa pa tayo ng penalties which is 25 % interest surcharge, 20 % interest per annum and compromise penalty,” ani De Leon.

Mayroon na rin umanong nag- avail ng amnesty sa lalawigan na nakadagdag naman sa collection ng ahensiya.

“Pag navail ka po ng amnesty, automatic 6 % lang po ng net estate mo, so wala nang additional penalties pa, so ang laki ng ibinabawas, actually marami na pong nag- avail sa atin kaya medyo nakadagdag sa collection ng District natin.”

Sa bisa ng Republic Act No. 11569 ay inamyendahan nito ang Tax Amnesty Act na nakatakda sanang magpaso noong June 14, 2021 at pinalawig ang deadline ng ng filing of estate tax returns sa June  14 2023.

Sakop  ng amnesty ang estate of decedents na namatay bago ang December 31, 2017 na ang estate taxes ay hindi pa nababayaran o naipon hanggang sa nabanggit na petsa.

“The same man lang po yung coverage niya yung mga namatay December 31 2017 and prior years.”

Aminado naman ang ahensiya na dahil sa pandemic ay hirap silang makakolekta ng buwis dahil na rin sa mga nagsarang negosyo at isa ang estate tax amnesty sa mga pinagkunan ng revenue.

Gayunman naka -over goal pa rin naman ang BIR RDO 64 sa unang semester ng taon at pumangatlo sa pitong RDO’s sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *