Estatwa ni Shakira sa Colombia, opisyal nang inilunsad

Inilunsad ran Malecon de Barranquilla, sa Barranquilla, Colombia ang 21 foot na estatwa ng Colombyanang singer na si Shakira.

Naka-belly-dancing pose ang giant bronze statue at may nakasaad pang plakeng “hips that do not lie.”

Pinasinayaan ito ng aklalde ng lungsod na si Jaime Pumarejo, at sinabing nawa’y magsilbing inspirasyon si Shakira sa mga milyong-milyong kababaihan na ipagpatuloy ang kanilang pangrap sa buhay.

Nakasaad rin sa plake ang kamakailang pagkapanalo ng singer ng tatlong 2023 Latin Grammy Awards, at pagkilala sa kaniyang charity na “Pies descalzos.”

Ikinalugod naman ni Shakira ang karangalan na ito at sinabing mananatiling tahanan niya ang Barranquilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *