Estudyante, guro at mga medical front liners, kabilang sa 6 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Cataduanes

BNFM BICOL—Katulad ng ibang lalawigan sa Bicol, patuloy din ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng Catanduanes.

Batay sa report ng Provincial Health Office, anim na indibidwal mula sa mga bayan ng Bagamanoc, San Andres at Virac ang mga bagong nag posiitibo sa naturang sakit.

Kinabibilangan ito ni Bicol Patient #7558 – isang estudyante, mula sa Brgy. Antipolo, Bagamanoc; Bicol Patient #7559 – isang babaeng health worker mula sa Brgy. Sta. Cruz, bayan ng San Andres; Bicol Patient #7560 – isa ring babaeng health worker mula sa Brgy. Francia, Virac; at ang tatlo pang mula sa Brgy. Antipolo, Bagamanoc na sina Bicol Patient #7555 – isang guro, ang lalaking pasyenteng si Bicol #7556 at ang babaeng pasyenteng si Bicol #7557.

Bunsod nito, pumalo na sa 26 ang aktibong kaso ng sakit sa probinsiya; 225 na ang mga gumaling habang nananatili sa anim ang binawian ng buhay mula sa kabuuang 263 na kumpirmadong kaso ng sakit sa islang lalawigan.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *