Estudyante, pinagpipiyansa ng korte ng P36K sa kasong anti-fencing law

Hinainan na ng kanyang warrant of arrest ang isang 18-anyos na estudyante sa kinakaharap nitong kasong anti-fencing law at pinatawan ito ng piyansa ng korte ng P36K para sa kanyang temporaryong kalayaan.

Kinilala ang akusado na si Limuel Elaba Gelilio, binata at naninirahan sa Brgy Inararan, Bulan, Sorsogon.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ng MTC, Bulan, Sorsogon sa kasong paglabag sa PD 1612 o anti-fencing law.

Sa ekslusibong impormasyon na nakuha ng Brigada News, narekober umano sa posesyon nito ang mga nakaw na vape at dahil hindi na-establish o hindi napatunayan kung ito nga ang nagnakaw, ay pinatawan ito ng kasong ‘pagtangkilik ng mga nakaw na bagay’ o anti-fencing law.

Saklaw kasi ng PD 1612 na kung ang akusado ay hindi principal o accomplice sa kasong pagnanakaw (robbery or theft) ngunit siya ay bumili, tumanggap, nagbenta o nagtago ng bagay na alam niya na galing sa nakaw, pasok ito sa elemento ng fencing.

Sa anti-fencing law, ‘mere possession’ o basta mahuli na nasa kamay o kustudiya ng akusado ang nakaw na bagay ay pasok ito sa PD 1612.

Sa update na nakuha ng Brigada News, nasa custodial facility pa ng Bulan MPS ang akusado dahil hindi pa ito nakapaglagak ng piyansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *