Luzon

Estudyanteng nahulong sa motorsiklo, nasagasaan  ng bus sa Camarines Sur

NAGA CITY- Patay ang isang 18-anyos na etudyante matapos na masagasaan ng bus nang mahulog ito sa sinasakyang motorsiklo sa Ragay , Camarines Sur.

Sinabi sa Brigada News FM Naga sa imbestigador ng insidente na si PSSGT Jimijon Salamque, pasado alas-6 kagabi Pebrero 5, 2023 papunta sa Sipocot kung saan nag aaral sa kursong Criminology ang biktimang si Arabela Cuenca y Custodio residente ng Tagkawayan, Quezon.

Pagdating aniya sa malubak na kalsada ng Agrupasyon Ragay,  sumemplang ang motorsiklo at nahulong ang backrider na biktima, may paparating namang bus at nasagasaan ito.

Samantalang gasgas naman ang inabot ng kasamang kaklaseng si Johnwell Matias na nagdala ng motor.

Ang driver naman ng bus na si Aurelio Cantor ng Goa, Camarines Sur ay nasa kostudiya ng PNP.

Inaalam ng PNP kung ano ang napag-usapan ng magkabilang panig.

Kasunod nito, tutungo ang PNP sa mga opisina sa Ragay na silang dapat na mag-aksyon ukol sa problema lalo na hindi ito ang unang pagkakataon na may naaksidente dahil sa lubak ng kalsada.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago