eTravel portal para sa mga inbound travelers na paaplit sa ‘One Health Pass’, inilunsad na

Inilunsad ng pamahalaan ang bagong eTravel online registration platform para sa lahat ng mga biyaherong papasok sa Pilipinas.

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS) bahagi ito ng pagpapaluwag ng proseso sa pangongolekta ng mga datos ng mga pasahero.

Inihayag din ng OPS na simula ngayong araw ang health declaration checklist ng Department of Health-Bureau of Quarantine ay maaari nang ma-access sa pamamagitan ng etravel.gov.ph.

Ang mga pasahero naman na dating gumagamit ng onehealthpass.com.ph ay direktang mapupunta sa eTravel domain sa oras na i-click nila ang lumang platform.

Nabatid na simula Disyembre 5 ay hindi na rin maa-access ng publiko ang lumang One Health Pass website.

Makikita sa eTravel platform ang electronic version ng paper Arrival Card ng mga biyahero na isusumite nila sa pagdating ng bansa para sa immigration clearance.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *