EU health ministers, nagpulong sa gitna ng pagdami ng Omicron cases sa Europe

Nagsagawa ng pagpupulong ang mga EU health ministers sa gitna ng paglaganap ng Omicron COVID-19 variant sa buong Europa habang papalapit na ang winter.

Layon ng pagtitipon na bumuo ng mas malawak na koordinasyon sa implementasyon ng bloc-wide measures gaya ng travel recommendations.

Dininig rin sa pagtitipon ang mga apela mula sa European Commission kaugnay sa pagpapabilis ng vaccinations.

Ipinunto naman ni German Health Minister Jens Spahn sa kaniyang EU counterparts sa Brussels, na hindi pa kumpleto ang kanilang nalalaman tungkol sa Omicron.

Iginiit naman niya na ang travel restrictions sa EU ay mahalaga upang makontrol ang bagong variant hanggang sa pinakamababa nitong antas hangga’t sa maari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *