EU, umalma sa paggamit ng Chinese vessels ng water canon laban sa mga barko ng Pilipinas

Kinampihan ng European Union ang Pilipinas matapos bugahan ng Chinese vessels ng water canon ang mga barko ng bansa na papunta sana sa Ayungin Shoal na 105 nautical miles lamang ang layo mula sa probinsya ng Palawan.

Iginiit ng European Union na mahigpit nitong tinututulan ang anuman unilateral actions na naglalagay sa kapayapaan, seguridad, at stability ng rehiyon at ng international rules-based order sa panganib.

Agad naman sumagot ang Chinese diplomatic delegation sa EU kung saan ay sinabi nito na ang mga pahayag ng block ay magdudulot lamang ng negatibong epekto sa regional peace at stability.

Una nang kinondena ng Washington ang China noong Biyernes, kung saan ay tinawag nito na dangerous, provocative, at unjustified ang paggamit ng water canon ng Chinese vessels.

Nagbabala rin ang US na ang anuman pag-atake sa Philippine vessels ay maaring mag-invoke sa US mutual defence commitments.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *