Evacuation order inilabas ng Congo dahil sa pag-alburuto ng Mt. Nyiragongo

Nagkukumahog ang libo-libong tao na makaalis sa Goma City sa Democratic Republic of the Congo matapos maglabas ng evacuation order ang kanilang gobyerno dahil sa pangambang muling pumutok ang Mount Nyiragongo.

Una nang naitala ang 31 taong nasawi matapos ang unang pagputok ng nasabing bulkan noong weekend.

Ayon sa mga otoridad, patuloy na nararamdaman ang serye ng mga lindol at tremors na umaabot hanggang 65 miles mula sa bulkan.

Nag-iwan naman ng malalaking bitak sa mga gusali at maging sa mga kalsada ang patuloy na aktibidad ng bulkan

Sinabi ng Military Governot ng North Kivu province na si Ndima na ang seismic activity sa lugar ang nagbibigay ng babala ng paggalaw ng magma sa ilalim ng lupa.

Dahil dito aniya ay hindi maaalis ang posibilidad ng panibagong eruption na magmumula sa lawa na posibleng mangyari nang walang anumang babala.

Giit ng opisyal, posibleng mamatay ang mga tao sa asphyxiation o serious burns.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *