Evaluation at recommendation sa 20 na paaralan na sumailalim sa limited facev to face classes sa rehiyon Bicol hihintayin – DEPED BICOL

LEGAZPI CITY – Halos isang linggo na lang ay magtatapos na rin ang pilot testing area ng limited face to face classes na ipinatutupad sa buong bansa.

Ayon kay Mayflor Jumamil, ang Regional Spokesperson ng Department of Education (DEPED) Bicol, hihintayin na lang ang magiging final evaluation at recommendation mula sa Central office ng DEPED base sa kanilang mga ibinigay na reports.

Aniya, ang mga paaralan at division office na rin ang magsusumite ng kanilang mga reports sa loob ng dalawang buwan na monitoring at observation.

Titingnan at pag-aaralan rito ang mga best practices, challenges, adjustment sa policy at mga dapat iimprove sa limited face to face classes.

Kabilang rin sa mag eevaluate ang Department of Health (DOH), Sinabi ng opisyal, sa oras na makita ng ahensya na matagumpay ang face to face classes ay agad ipapadala agad kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa magiging desisyon nito kung ipagpapatuloy o palawigin ang limited face to face classes sa bansa kahit may banta sa COVID 19 at omicron variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *