ex Japan PM Abe – ‘in grave condition’ matapos ang pamamaril: Japanese official

Nasa kritikal na kondisyon pa rin si dating Japanese prime minister Shinzo Abe matapos nitong barilin kaninang umaga.

Ayon kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida, ‘in grave condition’ ang kalagayan ng dating leader.

Tinawag ni Kishida na ‘barbaric act’ ang naturang pamamaril sa kasagsagan ng election campaign.

Kinundena ng lider ang aksyon na ito at hindi raw dapat mapatawad.

Nanawagan din ito ng panalangin para sa mabilis na paggaling ni Abe.

Ayon naman kay Japanese Defense Minsiter Nobou Kishi, nakababatang kapatid ni Abe, magkakaroon ngayon ng blood transfusion sa pagbabakasakaling maisalba pa ang dating PM.

Sa ngayon, sinabi ng Nara City Fire Department na under ‘cardiorespiratory arrest’ umano at nananatiling unconsious ang kasalukuyang estado ng dating Japanese leader.

Sa ulat, na-aresto na ang sinasabing suspek sa pamamaril kay Abe.

Naganap ang insiente habang nagtatalumpati ito para sa kampanya sa Nara City sa western Japan.

Una nang iniulat ng agence france presse na ‘no vital signs’ na si Abe nang isugod ito sa pagamutan.

DFA, nagpa-abot ng panalangin para sa sa dating Japanese PM

Nagpaabot ng simpatya at panalangin ang Philippine Government matapos ang naganap na pamamaril kay dating Japanese prime minister Shinzo Abe kaninang umaga.

Sa isang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na nagulat sila at nadismaya sa insidente.

Pinaaabot umano ng gobyerno ang ‘deep sympathy’ para sa Japan, pati na rin ang panalangin para sa mabilis na paggaling ng dating Japanese leader.

Matatandaang si Abe ay isa sa mga leaders na naging malapit kay dating pangulong Rodrigo Dutete.

2017 nang bumisita pa ito sa tahanan ng Pangulo sa Davao City.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *