Ex Mayor ng Bula, Camarines Sur, sugatan matapos mabangga ng truck

CAMARINES SUR- Nagpapagaling sa ospital si Benjamin Decena, ang dating alkalde ng Bula, Camarines Sur matapos itong mabangga ng truck sa isang gasolinahan sa Pili, Camarines Sur.

Batay sa imbestigasyon at sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni PLTCOL Joffrey Todeño, Chief of Police ng Pili Municipal Police Station, lumabas ng sasakyan si Decena habang pinapagasolinahan ang kotse nito nang bigla siyang mabangga ng magpapagasolina rin na itim na truck na minamaneho ni Ricardo Solbita Jr., na tubong Sto. Niño, Tagkawayan, Quezon City.

Ayon pa kay Todeño, hindi nakita ng drayber ang dating ex-mayor na nasa kaliwang bahagi ng daan dahil sa mataas ang truck nito at may blind corner. Kinupirma rin ng hepe na sa resulta ng test , nakainum ang driver. Ayon naman kay Decena, hindi niya rin nakita ang paparating na truck dahil nakatalikod siya.

Nasa kustodiya na ng Pili MPS ang suspek at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence resulting to Serious Physical Injuries, lumabag din sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Sa record ng Land Transportation Office ang Pili ay nakapagtala ng Pili ng 472 akdisente mula Enero hanggang Setyembre kaya, pinaiigting ang pagpapatupa dng batas trapiko sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *