Ex-Olympic boxer kinasuhan sa pagpatay sa kanyang buntis na karelasyon

PUERTO RICO – Nahaharap sa kaso ang dating Puerto Rican boxer na si Felix Verdejo dahil sa pagpatay sa kanyang karelasyon at sa sanggol na nasa sinapupunan nito.

Sa pamamagitan ng virtual hearing sa federal court sa San Juan, humarap si Verdejo kay Judge Camille Velez matapos sampahan ng 3 counts of kidnapping at pagpatay kay Keishla Rodriguez, na napag-alamang buntis ng nangyari ang kremin.

Ayon sa report wala umanong itinakdang piyansa ang huwes para sa kaso ng dating olympian.

Nabatid na si Verdejo may asawa, habang karelasyon si Rodriquez.

Noong April 29, dinukot umano ng boksingero ang biktima matapos ipagtapat ng huli na ito ay buntis.

Gusto umano ni Verdejo na ipalaglag ang ipinagbubuntis ng kanyang karelasyon na nauwi sa panununtok nito at pagturok sa syringe na may lamang kemikal.

Si Verdejo ay may 27 na panalo sa kanyang boxing career at 17 dito ay galing sa knockout.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *