Ex-partner ni Dennis Padilla, itinangging may co-parenting setup sila ng aktor

May bago na namang kinasasangkutan ang aktor at comedian na si Dennis Padilla.

Ito’y matapos ibunyag ng kanyang dating partner na si Linda Marie Gorton na hindi consistent ang pagsusustento ni Dennis sa kanyang mga anak.

Taliwas ito sa sinabi ng aktor noon na nag ko-“co-parenting” siya sa kanyang mga anak kay Linda at nagpapadala buwan-buwan ng child support.

Hindi rin aniya sila nagkaroon ng pormal na pag-uusap hinggil sa kanilang paghihiwalay simula nang tapusin nila ang relasyon noong Hulyo 2020.

Paglilinaw ni Linda, hindi sila nagkahiwalay nang dahil sa pera, lalo na’t nag-stay siya sa kanilang relasyon ng 12 years may pera man silang dalawa o wala.

Pinili niyang isalba ang kanialng pamilya para sa kanilang mga anak, ngunit sinabi nitong “But just like most things in life, you can’t have everything you want.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *