Aquino sisters kay PNoy: ‘Mission accomplished’

Kinumpirma ng pamilya Aquino na pumanaw ng mapayapa si dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa kanyang pagpatulog.  

Sa emosyonal na pagharap sa media ng magkakapatid na sina Pinky Aquino-Abellada, Ballsy Aquini-Crus, at Kris Aquino sa Heritage Park sa Taguig City ngayong hapon, inanunsyo nilang pumanaw ang dating presidente dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Nagpasalamat sila sa mga nag-alaga sa dating pangulo sa gitna ng COVID-19 pandemic. 

Ayon kay Pinky, bago pa ang pandemya, labas masok na sa ospital ang dating pangulo. 

Nasawi umano ang kanilang kapatid kaninang alas 6 ng umaga. 

Kasabay nito, nagpasalamat din sila sa mga naghalal kay Noynoy mula sa pagka kongresista, sa pagiging senador, hanggang sa pagiging pangulo ng Pilipinas. 

Anila, habambuhay nilang tatanawin na utang na loob ito.

Dagdag pa ni Pinky na “mission accomplished” na ang kanyang kapatid at sana ay maging masaya sa piling ng kanilang ina at ama. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *