Ex-president Duterte, nais mapanatili ang kooperasyon ng Pilipinas sa China

Nakipagpulong si dating presidente Rodrigo Duterte kay Chinese president Xi Jin Ping sa Diaoyutai state guest-house sa Beijing para panatilihin ang kooperasyon ng dalawang bansa.

Ayon sa spokesperson ng Chinese foreign ministry, umaasa ang Chinese president na magkakaroon ng mabuting ugnayan ang China sa Pilipinas.

Dagdag pa nito, pinapahalagahan ni Xi ang strategic choice ni Duterte noong nasa panunungkulan pa ito bilang presidente ng Pilipinas, upang mas mapanatili ang ‘friendly cooperation’ sa bansa.

Maalalang sinabi ng dating pangulo na maaring maging libingan ang bansa kung kung ito ay mahuli sa mga tensyon sa pagitan ng China at Amerika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *