Ex-prexy DU30: walang problema kahit ako lang matira sa PDP-Laban!

‘You are always welcome to go out’

Ito ang naging payo ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa mga nais na ring umalis sa kaniyang partido na PDP-Laban.

Kasunod ‘yan ng pagkalas ni House Senior Deputy Speaker, Pampanga 3rd District Rep. Dong Gonzales bilang member at official ng partido.

Sabi ni Duterte sa isang TV show – wala raw problema sa kaniya kahit na siya na lang ang matirang miyembro nito.

Ang importante raw at patuloy niyang pahahalagahan ay ang prinsipyo ng partido.

Kaugnay nito – mayroon ding isang ‘cryptic post’ ang dating pangulo sa kaniyang social media hinggil sa usapin ng ‘prinsipyo’.

Kasunod naman ito ng usapin ng ‘di umano’y tensyon sa pagitan ni House Speaker Martin Romualdez, at ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Bagamat walang direktang pinangalanan – maaalalang napainit ang usapin sa pagbubukas ng sesyon sa Kamara kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *