Ex-Prime Minister ng New Zealand, ikinasal na

Ikinasal na si dating New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern sa kanyang long-time partner na si Clarke Gayford sa isang private ceremony.

Sa kanyang final speech sa parliament, inaya ni Ardern ang kanyang partner na magpakasal – aniya ‘Let’s get married.’

Nakatakdang ikasal noong 2022 ang dalawa pero hindi natuloy dahil sa COVID-19 pandemic.

Matatandaang sa ilalim ng pamamahala ng dating prime minister ay isa siya sa mahigpit na nagpapatupad ng COVID restrictions at health protocols sa New Zealand.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *