Ex-pulis na 5 taon nang nagtatago matapos umanong patayin ang kabaro, arestado

Matapos ang limang taong pagtatago – arestado ang dating pulis na umanong patayin ang kanyang kabaro.

Maaalala noong 2018, nagkaroon ng pagtatalo ang suspek na si Manolito Manatan sa biktima na si Corporal Joel Samonte.

Nang bumunot ng lighter si Samonte napagkamalan ni Manatan na ito’y baril kaya’t kumuha siya ng patalim at paulit-ulit nitong sinaksak ang biktima.

Sa salaysay ng dating pulis, ibinahagi pa nito na magkumpare sila ni Samonte.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Detective and Special Operations Unit (DSOU) si Manatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *