Featured News

Ex-Talitay, Maguindanao mayor, arestado sa police operation sa Batangas Port; suspek, patay matapos umanong manlaban

BATANGAS – Patay ang dating alkalde ng Talitay, Maguindanao na unang naaresto sa Batangas Port, Batangas City ngunit nanlaban umano sa kanyang police escort sa area ng San Juan City habang ibinabiyahe patungong Camp Crame kaninang umaga.

Kinilala ang suspek na si Montasser Sabal alyas ‘Sabal’ at ‘Montasir Sabal y Miling, 44 anyos, dating miyembro ng PNP-SAF at residente ng Talitay, Maguindanao.

Ayon sa report ng CIDG NCR, ang suspek ay sakay sa puting van na lulan ng MV Reyna De Luna 4 kasama ang iba pa nang maaresto ng operatiba ng CIDG NCR, Batangas CIDG, PDEG at PNP sa Batangas Port bandang 7:00 kagabi.  

Ang mga naaresto naman nitong kasama sa sasakyan ay kinilalang sina Norayda Nandang y Makmud, 43; Muhaliden Mukaram y Samal, 36 anyos at Aika de Asis y Meler, 34 anyos.

Narekober mula sa mga ito ang isang M16 A4 Colt AR 15, isang magasin ng M16 A4, anim na bala ng M16 A4, Glock 23 9MM, apat na magasin ng Glock 23 9MM, 44 na bala ng Glock 23 9MM, isang fragmentation grenade, dalawang plaka, limang cellphone, dalawang kutsilyo, ilang dokumento at perang nagkakahalaga ng 48,840 pesos.

Narekober rin ang dalawang heat sealed plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang Shabu na tumitimbang sa 23.9844 grams at 4.4388 grams at tinatayang nasa 200,000.00 ang halaga.

Samantala, sa hot follow up operation ay nahuli rin ng mga awtoridad ang iba pang kasama ni Sabal na kinilalang sina Ailyn Compania y Guiadel, 45; Zuharto Monico y Abdul, 28 at Wilson Santos y Basir, 41.

Sa isinagawang press briefing ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, sinabi nitong nanlaban umano si Sabal sa kanyang police escort sa area ng San Juan City habang binabiyahe patungong Camp Crame kaninang 5:20 ng kaninang umaga.

Inagaw umano nito ang armas ng kanyang escort na nauwi sa agawan ng armas.

Wala umanong magawa ang pulis kundi barilin si Sabal dahilan para magtamo ito ng tama ng bala sa katawan.

Dinala pa ito sa San Juan Medical Center ngunit binawian rin ng buhay pasado 6:00 kaninang umaga.

Base sa datus ng PNP, si Sabal ay dating PNP-SAF member noong 1998-2010 at kabilang sa listahan ng national watchlist on drugs.

Siya rin umano ay kabilang sa mga may kagagawan at utak sa nangyaring Davao City bombing noong September 2016.

Full time supporter at supplier din umano si Sabal ng mga armas ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

BNFM Batangas

Recent Posts

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

2 mins ago

‘Internal agreements’ sa pagitan ng China at PBBM admin – pinabulaanan ng DND

Walang alam o hindi kabilang ang Department of National Defense sa internal agreement sa pagitan…

27 mins ago

Mga barko ng PH, Amerika, at France – tuluy-tuloy sa karagatang sakop ng Palawan

Nagpapatuloy ang Multilateral Maritime Exercise ng mga barko ng Pilipinas, US at France sa karagatang…

40 mins ago

Taiwan – muling niyanig ng magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng magkakasunod na lindol ang Taiwan. 'Di pa rin natatapos ang serye ng…

56 mins ago

P15.5B na disaster relief fund, naka standby para sa El Niño

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) ang suporta ng pamahalaan para sa mga…

1 hour ago

Pilipinas, hindi pa umano handa sa paggamit ng nuclear power plant

Maraming nang mga bansa na ang naging bukas sa paggamit ng nuclear power dahil na…

1 hour ago