Ex. Vice Mayor Parojinog, hinatulang guilty sa kasong illegal possession of drugs

Hinatulang guilty ng Quezon City Regional Trial Court Branch 228 si dating Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parajinog sa kaso nitong illegal possession of drugs.

Base sa desisyon ni Judge Mitushealla Manzanero Casiño pinatawan ng panghabambuhay na pagkakakulong si Parajinog at multang kalahating milyong piso.

Matatandaan noong July 30, 2017 isinagawa ang raid sa kanilang compound sa Ozamis City kung saan nakuha ang mga ilegal na droga.

Napatay naman sa raid ang 15 indibidwal kabilang na ang ama ni Parajinog na si dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parajinog Sr.

Iniutos rin ng Korte ang paglipat kay Parajinog sa correctional institution for women mula sa Taguig City Jail Female Dormitory.

Maaari pang i-apela ni Parojinog ang naturang desisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *