Expanded centenarian act, malaking tulong sa senior citizens ayon sa Legazpi City OSCA

LEGAZPI CITY – Malaking tulong umano sa mga Pilipinong senior citizen ang kasasabatas pa lamang na Expanded Centenarian Act na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon.

Ito ang inihayag ni Jaime Andes, head ng Office of the Senior Citizens Association of Legazpi City sa Brigada News FM Legazpi.

Sa ilalim kasi ng batas na ito o ang RA 11982, makakatanggap ng PHP10,000 na cash gift bawat limang taon ang mga senior citizens kapag sila ay tumuntong na sa edad na 80 hanggang makarating sila sa edad na 95.

Sa panayam kay Andes, sinabi nito na magandang balita ito lalo’t matagal na itong hinihintay ng mga senior citizen.

Aniya, malaking tulong ito lalo na para sa mga indigent senior citizens pagdating sa kanilang mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw tulad ng mga pagkain, gamot, at iba pa.

Sa ngayon, ayon kay Andes, hinihintay pa nila ang guidelines at implementing rules na ibababa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa batas na ito.

Inihayag din niya na para sakanya, dapat maibigay ito nang patas sa mga senior citizen anuman ang kanilang economic status.

Samantala, mananatili pa rin ang probisyon ng Centenarians Act of 2016 kung saan tatanggap pa rin PHP100,000 cash gift ang mga seniors oras na tumuntong na sila sa edad na 100.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *