Expanded number coding scheme, suspendido sa May 1

Abiso sa mga motorista.

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Metro Manila bukas, Mayo 1, Araw ng Paggawa o Labor Day.

Idineklara ang Mayo 1 bilang regular holiday sa bansa.

Kasunod nito nagpaalala naman ang MMDA sa mga motorista na saan man ang destinasyon, laging tandaan na planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *