Local News

Expanded Solo Parents Welfare Ordinance sa bayan ng Basud lusot na sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Bayan ang Expanded Solo Parents Welfare Ordinance sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ginawa ang pag apruba sa second reading bago pa man ang Semana Santa.

Sa ilalim ng ordinansa itinuturing na solo parent ang isang babaeng nanganak  na bunga ng panggagahasa at iba pang uri ng crime against chastity kahit wala pang final conviction sa offender basta ang ina ang nagtataguyod at nagpapalaki sa anak.

Solo parent din ang turing sa namatayan ng asawa at mag isang binubuhay ang anak, nakulong ang asawa at naiwan dito ang responsibilidad sa pagpapalaki ng bata, mag isang nagtataguyod sa bata dahil sa physical at mental incapacity ng asawa na sinertipikahan ng public medical petitioner.

Pasok din kategoryang solo parent ang magulang na mag isang nagpapalaki sa anak dahil sa legal separation, annulment at inabandona ng asawa, hindi kasal mapa ina o ama na piniling alagaan at buhayin ang anak kaysa ibigay ito sa institusyon, mag isang nagbibigay ng parental care at suporta sa bata gayundin ang kahit na sinong family member na siyang umako sa responsibilidad bilang head of the family dahil sa pagkamatay, abandonment, pagkawala o matagal ng pagkawala ng magulang ng bata.

Nagkaroon ng kaunting amyenda sa final draft ng ordinansa lalo na ang probisyon sa scholarship.

Sa halip na salitang “scholarship” ay pinalitan ito ng “educational assistance” dahil hindi umano kakayanin ng LGU ang gastusin sa pagpapa-aral ng isa sa mga anak ng solo parent.

Ang pondo na kakailanganin para sa implementasyon ng ordinansa ay kukunin sa Gender and Development fund ng munisipyo.

Nakapaloob din dito ang anti-discrimination at pagbibigay sa solo parent ng flexible work arrangement, parental leave, educational at housing benefits at medical assistance.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

21 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

21 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

21 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago