Extended GCQ sa Naga City inaasahang hindi gaanong makakaapekto sa food traffic

NAGA CITY- Extended ang General Community Quarantine sa Naga City hanggang sa Agosto 15, 2021 batay sa inilabas na kautusan ng National Interagency Task Force .

Ang mga nakapalaman pa rin sa Executive Order 2021-018 ang masusunod na mga restrictions.

Kaugnay nito, umaasa ang City Agriculture Office na hindi maapektuhan ang food traffic sa Naga; may supply mula sa mga local farmers ng lungsod at mga karatig bayan sapat din ang mga produkto mula sa Baguio at Benguet.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Agriculture Officer Edna Bongalonta sinabi nitong may restrictions man sa mga maaaring lumalabas at mga pinapayagang lakad subalit kung maoobserbahan hindi naman gaano nalilimitahan ang lakad ng mga residente.

Dagdag nito ang mga local farmers lalo pa sa upper barangays ay resilient na sa pandemya kung kaya’t pabago-bago o napapalawig man ang quarantine classification alam na ang diskarte upang makapagbenta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *