Extension sa Transition Period ng BTA , kampanteng maipapapsa ayon sa CSO

COTABATO CITY – HINDI nawawalan ng pag-asa ang CSO Movement for Moral Governance na pagbibigyan ang kahilingang pagpapalawig ng transition period mula 2022 hanggang 2025 sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sinabi ni CSO Movement for Moral Governance Spokesman Ammier M. Dodo na ang isinagawang unity caravan a final call for BTA extension ngayong araw ay daan upang sertipikahan urgent ng Pangulo ang nasabing batas.

Sa kanilang pagharap sa mga myembro ng MEDIA sa Cotabato City kaninang umaga, kampante si Dodo na mapapalawig ang transition period ng hanggang 2025.

Nabuo anya ang BARMM dahil sa pagiging tapat ng Pangulong Duterte sa kanyang mga naipangako sa mga mamamayang Moro bago ito naluklok bilang pinakamataas na pinuno ng bansa Dagag pa nito na legacy ng Duterte administration ang BARMM kaya naniniwala sila na hindi pababayaan ng Pangulo ang mga mamamayan ng Bangsamoro region.

//JOME DIMAPALAO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *