‘Eye Care We Care Program,’ patuloy ang paghahatid ng serbisyo sa mga Sorsoganon

Patuloy ang paghahatid serbisyo ng Eye Care We Care Program ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Sorsoganon na may problema sa paningin.

Katunayan, noong ika-3 ng kasalukuyang buwan ng Oktubre ay kabuuang 28 walong mga eye patients ang nabenepisyuhan ng programa.

Ang nasabing mga pasyente na binigyan ng pares ng salamin sa mata ay mga pasyenteng na-screen na noong September 22 sa pilot testing ng programa.

Samantala, ang susunod na vision screening ay nakatakda naman sa Oktubre 18 at ito ay gaganapin sa bayan ng Magallanes.

Ang Eye Care, We Care program ay bahagi ng Kalusugan Initiative ng 7K flagship program ng Pamahalaang Lalawigan kun saan kabilang sa mga serbisyong iniaalok nito ay ang screening ng paningin, referral para sa diagnosis at paggamot, referral para sa mga serbisyo sa rehabilitasyon ng mga mayroong mahinang paningin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *