F2F classes ngayong Abril sa Naic, Cavite – suspendido dahil sa tindi ng init

Suspendido ang face-to-face classes sa Naic, Cavite sa buong buwan ng Abril dahil sa matinding init ng panahon.

Samantala, hindi kasama ang ilang antas dahil may sasagutan silang exam na kailangang face-to face.

Kabilang na rito ang Grade 3 para sa kanilang Early Language Literacy and Numeracy Assessment (ELLNA) hanggang April 17.

Gayunpaman, may kapangyarihan pa ring magsagawa ng face-to-face classes ang nasa pribadong paaralan at pinayagang magsuot ng magaan at kaswal na damit ang mga estudyante sa halip na school uniform.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *