Fabian, palalakasin ang Hanging Habagat na nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Mabagal na kumikilos ang tropical depression Fabian malapit sa boundary ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas ng PAR ang bagyo ngayong araw, ngunit babalik rin ito kinabukasan.

Sa ngayon ay sinabi ng weather bureau na huli nitong namataan ang bagyong Fabian sa layong 1365 km, silangan ng Extreme Northern Luzon.

Kumikilos ang bagyo sa ibabaw ng Philippine Sea sa bilis na 15 kph papunta sa hilaga hilagang-silangang direksyon taglay ang 55 kph na lakas ng hangin malapit sa gitna at pagbugso na pumapalo sa 70 kph.

Ipinunto ng PAGASA na wala itong direktang epekto sa bansa dahil malayo ang bagyo mula sa land mass ng bansa, ngunit hahatakin nito ang Southwest Moonsoon na nagdadala ng pag-ulan sa maraming lugar.

Dahil diyan ay magdudulot ang Hanging Habagat ng kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Zambales, Bataan, Tawi-Tawi, Sulu, at Basilan.

Para naman sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, ay asahan na ang maaliwalas na panahon na may tyansa ng pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms dahil pa rin sa epekto ng Habagat at localized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *