Face shield requirement sa public places, di pa pwedeng tanggalin- Duque

Di pa umano tamang oras para tanggalin ang polisiyang magsuot ng face shields sa mga pampublikong lugar dahil mababa pa ang COVID-19 vaccine coverage sa Pilipinas. 

Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III matapos ang apela ni Manila Mayor Isko Moreno sa national government na i-lift na ang pagsusuot ng face shields sa public places dahil oras na para i-adjust ang pandemic policies sa bansa.

Ayon kay Duque, di pa pwedeng tanggalin ang polisiya dahil mahigit 2 percent pa lamang ng populasyon sa Pilipinas ang naturukan na ng dalawang doses COVID-19 vaccine. 

Kung matatandaan, mahigit 3.9 milyong katao pa lamang ang nababakunahan laban sa COVID-19 sa bansa, malayo pa sa target ng gobyerno na magbakuna ng 58 milyong indibidwal sa COVID-19 hotspots pagdating ng November. 

Mababatid na ginawang mandatory ng inter-agency COVID-19 task force ang pagsusuot ng face shields simula noong December 2020. 

Ilang ulit nang binigyang diin ni Duque na batay sa science ang paggamit ng face shields dahil lumalabas na pag naka face mask, naka face shield, at mayroong isang metrong distansya ang indibidwal ay magkakaroon ito ng mahigit 95 percent na proteksyon mula sa COVID-19.

Pero, sinabi ng US Centers for Disease Control and Prevention na nagpapatuloy ang evaluation kaugnay ng face shields, at di pa alam sa ngayon kung epektibo ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *