Konstruksyon ng Paseo De San Francisco sa Naga, malapit nang simulan

NAGA CITY – Malapit nang simulan ngayong taong 2024, ang konstruksyon ng Paseo De San Francisco sa Naga City o mas kilala sa tawag na Face the Wall, Food Court, sa Barangay San Francisco, matapos na malaanan ng nasa P30 milyong pisong pondo ng Lokal na Pamahalaan, kung saan naipaki-usap na rin ang pansamantalang magiging pwesto ng mga kainan na maapektuhan ng patrabaho, sa bakanteng lote sa harap ng Peñafrancia Avenue, sa loob ng lima o anim na buwan.

Sa panayam kay Punong Barangay Efren Nepomuceno ng, ang tinaguriang kasing Face the Wall sa lungsod, na dinarayo ng marami na halos apat na taon rin nilang hinintay at inayos ang mga dokumento, ay sa wakas tuluyan nang magiging bagong atraksyon at food tourism sa lungsod na magdadala ng mas malaking kita hindi lang sa naturang barangay kundi sa lungsod mismo at magbubukas ng mga oportunidad sa aspeto ng pagnenegosyo.

Kung saan babaguhin mismo kasi ang itsura, na mala Spanish style o ibang bansa ang datingan at planong lahat ng mga sikat na pagkain sa lungsod idadala sa nasabing Paseo De San Francisco.

.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *