Face-to-face classes sa City College of Naga, sususpendihin na!

NAGA CITY- Sususpendihin na ang face-to-face classes sa City College of Naga simula sa Abril 6, 2024 kasunod ng ipinalabas na Heat Index Advisory ng Southern Luzon PAGASA Regional Service Division.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Magno Conag Jr, Presidente ng ng nasabing eskwelahan, epektibo ang onlines classes simula sa Abril 7 hanggang sa Mayo 5. Face-to-face ang exam upang maiwasan ang dayaan, tuloy din ang laboratory works at pag duty sa mga hospital, clinic  at lying in.

Ramdan ni Conag ang heat stress ng mga estudyante, ang iba sa kanila bumibiyahe pa mula sa upper Barangay ng Naga , dumarating ng pagod na pagod na dahil sa init, pati hangin mainit na rin.  Walang mga puno sa dinidevelop na lugar. Bawal naman silang mag pa aircon ng marami dahil nag ooverload ang transformer. 

Tiniyak nito na hindi masasakripisyo ang kalidad ng edukasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *