Family Income and Expenditures Survey magpapatuloy hanggang sa Enero 31

CAMARINES NORTE – Magpapatuloy ang second visit ng Family Income and Expenditures Survey (FIES) hanggang sa Enero 31 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ay upang mangalap ng mahalagang datos na magagamit ng mga policy maker.

Mababatid na nagsimula ang FIES noong Enero 8 na tatagal dapat ng 21 araw.

Kaugnay nito ay patuloy ding hinihimok ng PSA ang publiko partikular ang mga respondents na makiisa at maging bukas sa ginagawang survey.

Ang kinukuhang datos sa FIES ay tungkol sa kita, gastos, source of income at mga kinukunsumo ng mga pamilya.

Ang FIES ay rider ng Labor Force Survey na ginagawa naman kada quarter.

Matatandaan na ginawa ang first visit ng FIES noong Hulyo 2023 na ang reference period ay mula Enero hanggang Hunyo.

Ang reference period naman ngayong second visit ay mula Hulyo hanggang Disyembre 2023 kung saan parehong sample ang binibisita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *