Fashion designer student mula sa San Mateo, Isabela, bibida sa 69th Miss Universe

Bibida sa international stage ang isang fashion designer student na si Kennedy Jhon Gasper at tubong San Mateo, Isabela makaraang mapili siya na gumawa ng national costume ng isang kandidata sa Miss Universe 2020.

Si Gasper, 20 anyos at residente ng Brgy. 1, San Mateo, Isabela ay kasalukuyang nasa ikatlong taon na sa kanyang kursong BS in Fashion and Textile Technology Major in Fashion Designing sa Central Luzon State University.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Kennedy Jhon, ikinagulat umano niya ang natanggap na oportunidad matapos pumatok at pinagkaguluhan online ang kanyang ipinost na fashion sketch.

Matapos pumatok online, personal umanong nagmensahe sa kanya ang isang candidate ng Miss Universe mula sa isang bansa sa Africa.

Kwento ni Gasper, nagdalawang isip pa umano siya dahil wala siyang sapat na pinasyal para gawin ito gayunman ay tinaggap parin nito ang offer.

Aniya, isang karangalan na maging designer ng prestiyosong kompetisyon tulad ng Miss Universe.

Nagpaabot naman ng tulong pinansyal ang LGU-San Mateo maging ang ilang kaibigan ni Gasper.

Ayon pa sa kwento niya, binuo ni Gasper sa loob lamang ng apat araw ang naturang national costume katuwang ang kanyang mga kaibigan.

Nauna na ring naipadala kahapon ang nasabing national costume at inaasahang darating sa USA sa mga susunod na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *