Fault line sa 1990 quake, iba sa pagyanig sa Abra – PHIVOLCS

Kaugnay nito, inilawaran ni PHIVOLCS Director Usec Renato Solidum ang naturang pagyanig bilang isang major earthquake.

Posible umanong ang Abra River Fault ang nagdulot ng pagyanig. 1868 pa nang huling nagpamalas ng pagyanig ang naturang fault.

Asahan na rin umano ang mga aftershocks at hindi nila isinasantabi ang posibilidad na magtagal ito ng hanggang isang buwan.

Samantala, muli namang nilinaw ni Solidum na ibang fault ang nagdulot ng pagyanig ngayong araw, mula sa 1990 earthquake sa Luzon.

Pinangambahan kasi ng ilang publiko na baka naulit ang 1990 na lindol kung saan ay matinding naapektuhan ang malaking bahagi ng Central Luzon.

Paliwanag ni Solidum, Digdig Fault ang nagdulot nito ay malayo sa fault sa Abra.

Nagpapatuloy naman ang assessment ng mga otoridad sa ngayon.

Pinaalalahanan din ni Solidum ang publiko at mga tanggapan ng gobyerno na magsagawa ng inspeksyon sa mga tahanan at mga gusali.

Kailangan din aniyang bantayan ang mga pinsala nito sa mga istruktura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *