FBI, itinanggi may pabuyang $2m para arestuhin si Quiboloy

Itinanggi ng Federal Bureau of Investigation ang impormasyong naglaan umano ng $2M pabuya para sa ikaaaresto ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay FBI Affairs Specialist Laura Eimiller na hindi niya alam na mayroong ganitong pabuya kay Quiboloy at dalawa niyang kasamahan na sina Teresita Dandan at Helen Panilag.

Nauna nang ini-reschedule ang pagdinig ng Los Angeles court sa mga kaso ng conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, sex trafficking sa mga bata, conspiracy at bulk cash smuggling laban sa Pastor.

Mababatid na sinabi ni Quiboloy na nalaman niya mula sa isang reliable source na nag-aalok ang US government ng $2 milyon na pabuya para sa kanyang pagkakaaresto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *