FDA, bukas sa paggamit ng ‘bivalent’ Moderna vaccine na sinasabing mas epektibo sa bagong COVID variants

Itinuturing na isang welcome development ng Food and Drug Adminsitration ang binubuong ‘bivalent’ vaccine ng Moderna.

Ang bakunang ito ay ginawa mula sa pinaghalong MRNA ng orihinal na strain ng COVID-19 at Omicron.

Ibig-sabihin, pinaniniwalaang mas epektibo ito sa iba’t ibang variants ng COVID-19 virus gaya ng Beta Variant at Omicron Variant.

Ayon kay FDA officer-in-charge Dir. Oscar Gutierrez, pag-aaralan nila ang mga isasagawang clinical trial ng bakuna para ma-evaluate ito kung maaari ring gamitin sa bakunahan sa Pilipinas.

Bukas aniya sila sa mga isusumiteng EUA para sa bakuna.

Samantala, tugon naman ni Gutierrez sa panawagang idamay na rin ang mga menor-de-edad sa bakunahan ng booster shots – naghihintay pa rin sila ng application mula sa mga vaccine manufacturers.(GAB DALISAY)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *