‘FDA, dapat imbestigahan ang pamamahagi ng ivermectin token prescription’

Dapat umanong imbestigahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang ulat na sa isang bond paper lamang isinulat ang prescription para sa antiparasitic drug na ivermectin isinagawang pamamahagi nito sa Quezon City kahapon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang doktor na nagbigay ng nasabing reseta ang mananagot dito. 

Aniya, sa ilalim ng batas, lahat ng prescriptions ay daat may nakalagay na ispesipikong mga detalye gaya ng pangalan ng prescriber, address, professional registration number, at tax receipt number.

Kailangan ding nakalagay sa reseta ang pangalan ng pasyente, edad, kasarian, at petsa ng prescription. 

Giit ni Duque, di pwedeng token prescriptions lang ang ibibigay ng doktor sa mga pasyente. 

Sa kabila ng kanyang mungkahing imbestigahan ang paraan ng pamimigay ng reseta para sa ivermectin, sinabi ng secretary na walang ilegal sa pamamahagi nito kung pasok ito sa dalawang exemptions na itinakda ng FDA.

Ito ay ang issuance ng compassionate special permit sa ispesipikong mga ospital, at kailangang prescribed ng doktor at compounded ng licensed pharmacist. 

Inamin ni Duque na na-alarma rin sya at nabahala sa nasabing distribution at inabisuhan ang mga pasyente na tumawag sa FDA kung makaranas ng adverse effects matapos uminom ng ivermectin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *