FDA, pinayagan na ang pagbabakuna 12 y/o pataas gamit ang Pfizer jab

Pinalawig ng Pilipinas ang emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine ng Pfizer para i-cover ang mga indibidwal na may edad 12 pataas.

Inamyendahan kasi ng Food and Drug Administration (FDA) ang EUA na ibinigay nito sa bakuna ng Pfizer-BioNTech para ma-cover ang mga edad 12 hanggang 15 taong gulang.

Bago nito, inaprubahan ang Pfizer shots para gamitin sa mga indibidwal 16 pataas.

Una nang sinabi ni FDA director general Eric Domingo na nagbigay ng “very favorable” recommendations ang mga eksperto para gamitin ang Pfizer vaccine sa mga menor de edad.

Sinabi ng Malacanang na pwede nang mabakunahan ang mga teenagers ng Pfizer jab sa oras na dumating na sa bansa ang maraming suplay. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *