Federal protections sa same-sex marriage, pasado na sa US

Nilagdaan na upang maging ganap na batas ni US President Joe Biden ang panukalang magbibigay ng federal protections sa same-sex marriage.

Matagal nang isinapubliko ni Biden ang kanyang pagsuporta sa same-sex unions, bago pa ito maging legal sa US sa ilalim ng desisyon ng Supreme Court noong 2015.

Sa signing ceremony, sinabi ni Biden na ang paglagda ng Amerika sa panukala ay isang hakbang para sa pagkakapantay-pantay, kalayaan at hustisya hindi lamang para sa iilan, kung ‘di sa lahat.

Bilang pagdiriwang, nakipagtipon ang US President sa grupo ng Republican at Democratic lawmakers sa White House, kasama ang mga advocates ng marriage equality sa bansa.

Ayon naman sa kauna-unahang openly gay senator na si Tammy Baldwin, maituturing na history ang pagkakalagda sa panukala, at magdadala ito ng pagbabago sa mga Americans. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *