FICELCO, mangangailangan ng 20 manggagawa sakanilang pakikisa sa TUPAD Program ng DOLE; Kooperatiba, naglunsad na rin ng Community Pantry

BICOL—Inanunsiyo ng First Catanduanes Electric Cooperative o FICELCO ang kanilang pakikilahok sa programang “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers” o TUPAD Program ng DOLE.

Ayon sa kooperatiba, nasa 20 mga manggagawa ang kanilang kailangan edad 21-anyos hanggang 59-anyos. Isa rin sa mga kwalipikasyon ay dapat na hindi pa nakakapag avail ng naturang programa ang aplikante, hindi elected official ng pamahalaan at higit sa lahat ay interesado umanong magtrabaho sa field. Para sa iba pang mga detalye at katanungan, mangyaring bisitahin lang ang Admin Office ng nasabing kooperatiba.

Kaugnay nito, nakiisa na rin sa domino effect ng Community Pantry ang FICELCO, matapos nilang ilunsad ang “FICELCO PANTRY” – Tabang ko para sa mahal kong MCO sa Brgy. Marinawa, Bato Catanduanes.

Ang paglunsad sa naturang inisyatibo ay nakasailalim sa Corporate Social Responsibility Program ng kooperatiba at bilang tugon na rin sa panawagan ng Philippine Rural Electric Cooperative Association na magbukas ng simultaneous COOP Pantry sa mahigit 100 Electric Cooperative sa buong Pilipinas.##

Photo Courtesy: FICELCO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *