Field trip bus na may sakay na mga estudyante mula sa Bulacan, nagliyab sa Tagaytay City

Ligtas ang mahigit apatnapung estudyanteng sakay ng isang bus matapos magliyab sa Brgy. Iruhin Central, Tagaytay City, Cavite kaninang umaga.

Ayon kay FO1 Carl Imperial ng BFP Tagaytay, nangyari ang insidnete kaninang alas diyes ng umaga.

Apatnapu’t siyam ang sakay ng bus kung saan 43 rito ay mga estudyante ng Sacred Heart Academy , apat na teacher, 1 tour guide at isang driver.

Galing ng Sta. Maria, Bulacan ang mga estudyante at magpi-field trip sa nabanggit na lungsod nang maganap ang insidente bago makarating sa People’s Park.

Nailipat na sa ibang bus ang mga estudyante para ituloy ang kanilang field trip.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng bfp sa dahilan ng pagkasunog ng sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *