Fighter jets para magpatrolya sa Kalayaan Island, pinaplano ni House Speaker Romualdez

Pinaplano ni Palawan 3rd District Legislative Caretaker Ferdinand Martin Romualdez ang magtalaga ng 2 hanggang tatlong Fighter Jets na mag papatrolya sa Kalayaan Group of Island.

Ani ni HS Romualdez, ang pagtatalaga ng Fighter Jets ay magbibigay umano ng pagkakataon sa atin na magpatrolya sa himpapawid palibot ng Palawan.

Ito ay hindi para hamunin ang bansang China o asarin ang mga ito, ang planong ito ay upang maipatupad lang ng Philippine Air Force ang kanilang tungkulin na mapanatili ang kaligtasan ng mamamamyang Pilipino sa lugar.

Ito ay kaugnay sa insidente ng pambobomba ng tubig sa Philippine Resupply Ship sa Ayungin Shoal ng China Coast Guard (CCG) ship sa kamakailan.

Samantala, ang mga itatalagang Fighter Jets ay manggagaling umano sa Philippine Air Force ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *