Fil-Am designer, ikinagalak nang makitang suot ni Apo Whang-Od ang binigay niyang salamin

Tuwang-tuwa ang isang Hawaii-based Filipino-American designer matapos makita si Apo Whang-Od, ang pinakahuling traditional Kalinga tattooist, na suot-suot ang ibinigay niyang salamin nang bumisita ito sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Matatandaang suot ni Apo Whang-Od ang salaming bigay ni Iris Viacrucis nang tumanggap ito ng parangal sa Malacañang noong nakaraang linggo para sa mga kontribusyon nito sa tradisyonal na sining ng Pilipinas.

Ayon kay Iris, matapos siyang matatoo-an ni Apo, tinanong niya kung nais ba nito ng souvenir.

Kaya naman ibinigay ng international designer ang eyeglasses para sa traditional artist.

Pinaplanong muling mabisita ni Iris si Apo sa Mayo, at susubukan daw nitong magdala ng doktor para mabigyan ng tamang prescription ang kanyang mga mata.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *