Fil-Jap Yuka Saso umani ng pagbati matapos mag-kampeon sa US Women’s Open

Umani ng pagbati sa social media ang Filipino-Japanese na si Yuka Saso matapos tanghalin bilang kauna-unahang Pinay na nanalo sa US Women’s Open.

Ginanap ang golf tournament sa San Francisco, California noong linggo.

Kabilang sa mga nagpaabot ng pagbati ay si Sen. Christopher Bong Go at sinabing humanga siya sa ipinamalas nitong galing sa pag-golf sa edad na 19 anyos.

“Nagpapasalamat ako at humahanga kay Yuka sa kanyang galing at patuloy na pagbibigay ng karangalan sa ating bansa,” bahagi ng pahayag ni Go.

Samantala umaasa si Go na marami pang atletang Pinoy ang buong husay na makikilahok at magtatagumpay sa darating naman na Tokyo Olympics at SEA Games sa ilalim ng bandila ng Pilipinas.

Bilang Chairman ng Senate Committee on Sports, tiniyak ni Go na patuloy niyang isusulong ang mga measures at programa para kapakanan ng mga atleta at mga sports enthusiasts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *