Filing ng application para sa CSE-PPT dinala ng CSC Camarines Norte sa mall

CAMARINES NORTE- Ginagawa na rin ngayon sa isang mall sa Camarines Norte ang filing ng application para sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT).

Ang mga naka- schedule mula June 5 hanggang 9 ay sa SM City Daet na pumila para mag-file ng application.

Ginawa ng CSC ang hakbang na ito upang maging komportable ang pila sa mga maghahain ng application para sa August 20, 2023 CSE-PPT.

Kung maalala ay dinagsa ng mga aplikante ang opisina ng CSC sa Barangay Camambugan noong mga unang araw ng filing period.

Sa haba ng pila ay umabot pa ito sa may bahagi ng Hall of Justice na ilang metro din ang layo sa CSC Field Office.

Una na ring iginiit ng ahensiya na hindi naman kailangang magdagsaan at pumila ng mahaba sa gitna ng matinding sikat ng araw dahil mayroong schedule sa New Normal Waitlist (N-List) System.

Ang individual schedule of filing at karagdagang instructions para sa mga successfully registered applicants ay accessible sa N-List dashboard sa pag login sa individual account.

Noong nakaraang linggo ay umabot na sa isang libo ang nakapaghain nang kanilang application.

Nasa 2, 025 ang target examinees ng CSC para sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa bilang na ito 1, 725 ang kukuha ng professional examinations habang 300 naman ang sub-professional.

Tatagal naman ang filing period hanggang sa June 21.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *