Filipinas nabigong makuha ang unang panalo sa 2023 FIFA Women’s World Cup

Nabigo ang pambato ng Pilipinas sa 2023 FIFA Women’s World Cup laban sa Switzerland sa puntos na 0-2 na isinagawa sa Forsyth Barr Stadium sa New Zealand kahapon.

Kahit pa naka-isang goal si Katrina Guillou sa 16th minute ng first half, hindi isinama ng opisyal bilang puntos ng koponan.

Ang unang iskor ng katunggali ang mas nagpahirap sa pinoy pride para hindi makuha ang kampeonato.

Ikinatuwa naman ito ng maraming Pinoy fans dahil sa kauna-unahang pagkatataon inawit sa world cup ang Lupang Hinirang na pambansang awit ng Pilipinas.

Sa kabila nito tuloy pa rin ang pag-asa ng Philippine Team  na mabawi ang pagkatalo sa susunod na laban nila sa pagitan ng New Zealand sa darating na Hulyo 25 sa kaparehong world cup. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *